31

Oct 23, 2021 @ 21:11
By

Voting simulation nairaos ng Comelec

Tagumpay ang isinagawang voting simulation ngayong Sabado sa San Juan, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sa naturang voting simulation ay sinubukan ng Comelec ang mga prosesong susundin sa 2022 elections.

Tumagal ito ng mula alas-10:00 a.m. ng umaga hanggang alas-4:00 p.m. ng hapon.

“We saw the function of the isolation polling place. When we entered the venue, we saw how important signages and reminders are as they guided the voters,” pahayag ni Teopisto Elnas, Executive Director for operations ng Comelec.

Pagpunta ng mga botante, sila ay dadaan muna sa isang voter’s assistance desk kung saan nila malalaman ang kanilang presinto.

Nagkaroon din ng pagkuha ng temperatura at pagpapatupad ng striktong health protocols.

Ang mga magpapakita ng COVID symptoms ay boboto sa isang hiwalay na presinto.

Ikinatuwa rin ni Comelec spokesperson James Jimenez ang resulta ng voting simulation.

“We saw that the processes are designed well. The next step really is to find out if they will hold up under a bigger number of voters,” pahayag ni Jimenez. “There will be other opportunities in the future to check. What we really wanted to see is if our procedures will work and so far they’ve worked.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?