46
ABANTE tito sotto chacha
By

‘Voting jointly’ magpapaunsyami sa Cha-Cha – Sotto

Sharing is caring!

Iginiit ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III sa mga kongresista na huwag nang ipilit na kailangang magkasanib na magbotohan ang Senado at Kamara kapag inamyendahan nila ang Konstitusyon bilang constituent assembly (con-ass).

Ayon kay Sotto, hindi mangyayari ang charter change (Cha-Cha) kung ipipilit ng mga kongresista ang voting jointly kung saan isasanib lang sa 290 konggresista ang 22 senador gaya nung sila ay magsesyon at magbotohan para sa extension ng martial law.

Bukod dito, hindi aniya ito kailangang pagtalunan dahil wala namang sinasabi sa Konstitusyon na kailangsng magdaos ng joint session at ng joint voting ang Senado at Kamara para sa Cha-Cha.

“Isang beses lang binanggit sa Konstitusyon ang voting jointly at iyan ay sa martial law issue lamang,” diin nito.

Sa tantya ni Sotto, mas marami nang mga senador at konggresista na papayag ngayon sa cha-cha sa pamamagitan ang con-ass dahil batid na masyadong magastos at matagal kung magpapatawag pa ng constitutional convention (con-con) kung saaniboboto pa ang mga aamyenda sa Konstitusyon.

“Malaki tsansa (ng Cha-Cha) kapag voting separately at con-ass malaki tsansa pero pag ipinilit nila na voting jointly tagilid na ‘yun,” ani Sotto.

“Kapag ipinilit nila ang Con-Con tagilid na rin yun. Nung bago pa akong senador, noong araw, ipinipilit ko na con-con dahil yun ang ideal pero hindi na praktikal ngayon,” sabi ni Sotto.

Ayon sa senador, kailangang amyendahan ang konstitusyon para mabago ang limitasyon sa pagpasok ng mga foreign investors at upang maging batayan ng pagsasalin ng gobyerno tungong federalism.

Marami naman umanong sumusuporta rito at hindi lamang si Pangulong Duterte at mga kaalyado nito,

Taktika naman aniya ng mga anti-chacha ang pagsusulong ng con-con.

“Yang nagsusulong ng con-con, ayaw kang kasi nilang galawin ang constitution kaya yan ang ipinipilit,” dagdag ni Sotto. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?