56

Nov 4, 2017 @ 15:29

Voters’ registration, simula na sa Lunes

Simula ngayong Lunes, Nobyembre 6, muling bubuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang rehistrasyon ng mga botante.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, ang continuing registration ay tatagal hanggang Nobyembre 30.

Ang pagpapatala ay bukas sa buong bansa maliban lamang sa lalawigan ng Lanao del Sur, ang lugar kung saan naroon ang lungsod ng Marawi na dumanas ng limang buwang giyera ng militar laban sa grupong Maute-ISIS.

Sinabi ni Jimenez na dapat samantalahin ng mga botante na hindi pa rehistrado ang continuing registration para sila ay tiyak na makakaboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na idaraos sa Mayo 2018.

Paalala pa ng poll body, ang mga aplikasyon para sa pagpapatala, reactivation, pagpapalit o correction of entries at reinstatement of records sa listahan ng mga botante ay kinakailangang iproseso nang personal sa Offices of the Election Officers, mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, Lunes hanggang Sabado kasama ang holidays.

“In view of the postponement of the Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), there is a need to resume the conduct of registration of voters for the members of the Katipunan ng Kabataan (KK) who will reach fifteen (15) years old pursuant to Republic Act No. 10742 and regular voters for the barangay in connection with the May 14, 2018 Synchronized BSKE,” ang nakasaad sa Comelec Resolution No. 10214. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?