138

Apr 1, 2019 @ 16:37
By

Voter’s ID, hindi kailangan sa eleksyon – Comelec

Kung wala kayong voter’s ID, huwag kayong kabahan dahil maaari pa rin kayong makaboto sa local at national elections sa Mayo 13.

Ito ang nilinaw ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez kaugnay sa pangamba ng ilan na hindi sila papayagang makaboto kung wala silang maipakikitang voter’s ID.

Sa kanyang tweet sa @jabjimenez, iginiit niya na hindi kailangan ang voter’s ID dahil mayroon namang voters’ list para malaman kung lehitimong botante ang isang tao at kung saang presinto siya dapat bumoto.

“We have the voters list where we can verify the identity. So, there is no need to produce an ID unless there will be a challenge in which case the person has to give a sworn statement affirming his or her identity,” giit ni Jimenez.

Sinabi ni Jimenez na inatasan na rin ang kanilang mga field official para linawin ito sa mga botante.

Ayon sa ulat, mawawalan na rin ng silbi ang voter’s ID na naisyu sa mga botante sa sandaling maipatupad na ang national ID system na magiging uniform ID para sa lahat ng transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno at requirement ID sa iba pang transaksyon sa pribadong sektor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?