124

Apr 4, 2020 @ 18:58
By

Voter’s ID hindi kailangan para makakuha ng cash aid – Comelec

Giniit ng Commission on Elections (Comelec) ang pahayag ng Department of the Interior Government’s (DILG) na hindi kailangan ng voter’s identification card (ID) para maging requirement sa matanggap ng mga benepisyaryo ang tulong mula sa gobyerno ngayong pinaiiral ang enhanced community quarantine.

“The voter’s identification card is not required in determining who shall receive the mandated subsidy during the state of national emergency arising from the Covid-19 situation, the Department of the Interior Government (DILG) announced on March 28, 2020,” pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez hinggil sa pagtanggap ng P5,000 hanggang P8,000 cash aid mula sa gobyerno.

Hindi umano batayan ang pagiging botante para mapasama sa listahan ng mga benepisyaryo ng pamahalaan para sa social amelioration program.

Pinaalalahan din nito ang mga barangay official na hindi dapat i-require ang voter’s ID sa kanilang mga nasasakupan para sa pamamahagi ng tulong, cash man o food pack.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?