26

Jun 30, 2020 @ 11:28
By

Voter registration suspendido hanggang Agosto

Sinabi ng Commission on Elections na kanselado hanggang katapusan ng Agosto ang voter at satellite registration sa lahat ng kanilang mga tanggapan.

Ito’y dahil aniya sa patuloy pa ring pag-akyat ng kaso ng coronavirus sa bansa.

Marso 9 inatasan lahat ng mga Comelec office na suspindehin ang voter registration hanggang Marso 31. Ito’y dahil sa Luzon-wide lockdown laban sa pagkalat ng COVID-19.

Pinalawig ang suspensiyon hanggang Abril 30, at hanggang Hunyo 30.

“The suspension was previously set only until June 30 but was extended for two more months in view of the still rising number of COVID-19 cases nationwide,” wika ni Comelec Spokesperson James Jimenez.

“We are continuously refining our guidelines and health safety protocols so that we do not contribute to the further spread of the virus,” aniya pa.

Nagsimula ang voter registration period para sa Halalan 2022 noong Enero 20, 2020 at nakatakdang matapos sa Setyembre 30, 2021.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?