50

Jan 30, 2020 @ 12:08
By

Voter registration sa Batangas, Cavite ipagpapatuloy na

Sa Pebrero 3 na magpapatuloy ang voter registration sa 24 bayan sa Batangas at Cavite na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec) ngayong Huwebes, Enero 30, tuloy na ang voter registration sa Alfonso, Amadeo, Indang, Silang, at Tagaytay City sa Cavite.

Tuloy na rin ang pagpaparehistro para sa Halalan 2020 sa mga bayang ito sa Batangas:

Alitagtag
Balayan
Balete
Calaca
Cuenca
Kalatagan
Laurel
Lemery
Lian
Lipa City
Mabini
Malvar
San Luis
San Nicolas
Sta. Teresita
Taal
Talisay
Tanauan City
Tuy

Nasa alert level 3 pa rin ang bulkan ngayong Huwebes at inaasahan ang steam-driven at mahihinang phreatomagmatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at nakamamatay na pagbuga ng usok sa isla at kalapit na mga baybayin.

Nilinaw din ng Phivolcs na hindi nangangahulugan ang alert level 3 na natapos na ang pag-aalburoto ng bulkan o naglaho na ang banta ng mapanganib na pagsabog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?