28

Sep 2, 2021 @ 19:20
By

Voter registration puwede na sa SM

Nagsanib ang SM Supermalls at Commission on Elections para sa mga nais magparehistro upang makaboto sa darating na eleksyon.

Nagbukas ang Comelec ng mga satellite registration center sa SM Supermalls nationwide.

Tulad ng ibang government service center sa mga mall, mahigpit na ipatutupad ang mga health protocol sa mga voter’s registration center kabilang na ang pagsulat sa health declaration form, pagtsek ng body temperature at physical distancing gayundin ang mandatory face mask at face shield.

Kabuuang 47 SM Supermalls sa bansa ang nakiisa para mabawasan ang umpukan sa mga barangay ng mga nais magparehistro.

Para sa mga SM Supermalls na may Voter’s Registration Center at kanilang schedules, maaaring bumisita sa https://www.smsupermalls.com/ at i-type ang voter registration.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?