22
views

By

Voter registration para sa 2019 midterm elections, simula na

Sharing is caring!

Ngayong araw, Hulyo 2 bubuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration para sa 2019 polls.

Base sa Comelec Resolution 10392, itinakda ang period for filing of application para sa registration bilang botante ng 90-araw mula Hulyo 2 hanggang Setyembre 29, 2018.

Ang naturang registration ay gagawin mula alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, Lunes hanggang Sabado kabilang ang holidays.

Ang Comelec offices sa buong bansa ay tatanggap ng aplikasyon for transfer/transfer with reactivation, reactivation, change/correction of entries/or reinstatement ng mga record sa listahan ng mga botante.

Nilinaw ni Comelec spokesman James Jimenez na ang naturang kautusan ay hindi kabilang ang registration of voters ng Marawi City na sumasailalim sa rehabilitasyon.

Paliwanag ng opisyal, kailangang personal na isumite sa Office of the Election Officers (OEOs) ng lungsod o distrito o munisipalidad kung saan nakatira ang aplikante ang kanilang application for registration.

Nakatakda ring magsagawa ng satellite registrations ang Comelec sa mga panahong nabanggit kung saan mismong Comelec field officials ang dadayo sa mga barangay, public plaza, schools at iba pang pampublikong lugar para magrehistro ng mga botante. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?