55

Jun 23, 2022 @ 16:17
By

Voter registration muling bubuksan sa Hulyo 4

Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Huwebes na muling bubuksan ang pagpaparehistro para sa mga nais maging botante sa Hulyo 4-23.

“Approval of the Resumption of Continuing Voter’s Registration from July 4-23, 2022. Resolution to be formally promulgated,” pahayag ni Comelec acting spokesperson Rex Laudiangco.

Ito ay kaugnay ng nakatakdang barangay elections sa Disyembre 5.

Dagdag pa ni Laudiangco, maiksi lang ang voter registration alinsunod sa Continuing Voter’s Registration Act.

“Under RA 8189, , voter registration is prohibited within 120 days prior to elections,” dagdag pa ni Laudiangco.

Sa ngayon, wala pa ring pinal na desisyon kung itutuloy o hindi ang barangay elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?