38

By

Vote buying laganap; presyo kada boto P500 hanggang P2,500 – DILG

Sharing is caring!

Habang papalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election mas lumalaganap ang Vote buying o pagbebenta ng Boto.

Inihayag ito ng Departmen of Interior and Local Government (DILG) sa isinagawang joint DILG -PNP Press Conference sa Camp Crame.

Ibinunyag mismo ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs, Martin Diño, na nasa 500 hanggang 2,500 ang presyohan ng bawat boto.

Tanong ngayon ni Diño paano babawiin ng mga mananalong barangay officials ang pinang-bili ng boto kundi kukunin lamang sa droga.

Tinukoy din ni Diño na posibleng mga lokal na politiko ang pumopondo sa vote-buying pagahhanda sa kanilang sariling pagkandidato, dahil ang barangay Captain ang magdadala ng boto sa kanila.

Hinikayat ri ni Diño ang mga mamamayan na kunan ng video ang mga insidente ng vote buying para maparusahan ang mga gumagawa nito.

Tiniyak rin ni Diño na kahit manalo ang mga tumakbong barangay officials, tatanggalin sila sa pwesto sa oras na mapatunayang sangkot sila vote-buying o anumang paglabag sa mga alituntunin sa kanilang kampanya.

Kasabay nito pinaalalahan ni Diño ang mga kandidato na sa June 13 ang deadline para isumite ang statement ng kanilang nagastos sa kampanya at tinanggap na donasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?