30

Jan 13, 2022 @ 21:01

Von Pessumal: Swab test libre dapat!

Isa si San Miguel sharpshooter Von Pessumal sa mga naniniwalang libre dapat ang COVID-19 testing sa Pilipinas.

Ito’y kasunod ng pagsirit ng kaso ng new coronavirus sa bansa dahil sa Omicron variant.

Bukod pa dito, nakiusap din si Pessumal na dapat maging disiplinado ang mga bawat tao sa panahon ng pandemya.

“Swab Tests should be FREE, Vaccinations should be EASY and People should be DISCIPLINED,” lahad ni Pessumal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?