5

Sep 24, 2020 @ 15:38
By

Volunteer doctor ililibre sa buwis

Sinusulong ng isang mambabatas na bigyan ng tax break o insentibo ang mga doktor na nanggagamot nang libre.

Naghain si Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte ng House Bill No. 7631, na layuning ilibre na sa pagbabayad ng buwis sa kanilang gross income ang mga pro bono doctor.

“While there is a wide gap to quality healthcare access among the poor and marginalized, some physicians have taken it upon themselves to volunteer to render free health services to people who cannot afford to seek medical attention,” pahayag niya.

“This bill recognizes and incentivizes, through the grant of a tax credit, the invaluable pro bono services physicians in the country. It intends to encourage our physicians to put hours and services for such purpose,” dagdag niya.

Bago nito’y naghain na ng House Bill No. 7007 si Villafuerte na layon namang magtatag ng isang medical reserve corps na magiging standby sakaling kailanganin ng mga dagdag na frontliner sa healthcare system kapag emergency at may sakuna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?