8

Volleyball sa 2019 SEAG, lalaruin sa Maynila

Sharing is caring!

Inanunsiyo ni Ramon Suzara, presidente ng Philippine Superliga, na kapwa sisiklab ang men’s and women’s volleyball ng 2019 Southeast Asian Games sa Smart Araneta Coliseum.

Dahil sa may bentahe sa venue, malaki ang pag-asa ni Suzara na sisipa ang Pilipinas sa nasabing sports.

“The SEA Games is very important in our hearts so we should play in the finals,” ani Suzara. “I’m always positive that our women’s volleyball team should play in the finals.”

Ang basketball naman umano ay lalaruin sa Mall of Asia Arena.

“That has been the initial agreement and nothing’s final but the initial agreement is that we will put both popular sports [volleyball and basketball] in a big venue,” sabi pa ni Suzara.

Tatlong lugar ang pagdarausan ng 2019 SEA Games: ang Clark Green City, Subic, at Metro Manila.

Iho-host ng Pilipinas ang 2019 SEAG na sisikad mula Nobyembre 30-Disyembre 10, 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?