30

Sep 19, 2021 @ 14:30
By

Volleyball pa more! Magtotropa sugatan sa pagsabog sa Maguindanao

Walong indibidwal ang sugatan matapos sumabog ng isang improvised explosive device sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao.

Ani Datu Piang Mayor Victor Samama, sumabog ang IED pasado alas-3 nitong Sabado.

Ayon sa ulat ng GMA News, naglalaro ng volleyball ang mga biktima nang mangyari ang pagsabog.

Agad namang dinala sa Abpi-Samama Clinic and Hospital ang mga biktima.

Batay sa report, inilapat ang isang biktima sa Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City matapos magtamo ng maraming sugat.

Anang alkalde, una nang nakatanggap ng death threat ang mga manlalaro ng volleyball na siyang kinabibilangan ng ilang LGBT members.

“We just learned after the incident that this group had received a threat, a warning from radical group who are allergic to gays in public, which they kept secret to us,” ani Samama.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?