241
rape
Jan 3, 2018 @ 17:04
By

Volleyball coach na nang-rape ng atleta, pinatakas ng anak

Nakapuslit ang isang dating volleyball coach na inaakusahang nang-rape sa 12-anyos na atletang dalagita, na aarestuhin sana ng mga pulis, matapos na kunsintihin at tulungan ng anak na makatakas sa kanilang tahanan sa Quezon, nitong Martes.

Sa report, pinuntahan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang bahay ng coach na nakilalang si Dennis Laping, sa Barangay Old Balara, Quezon City para upang arestuhin matapos na sampahan ng kasong statutory rape at qualified seduction.

Dadakmain na lamang ng mga arresting officer ang suspek nang makitang nakatayo sa labas ng kanilang tahanan subalit mabilis na nakatakbo nang maispatan ang mga paparating na pulis.

Agad namang humabol ang mga pulis sa tumatakas na coach subalit humarang sa kanilang daraanan si John Ercik Laping, 24-anyos, na anak ng suspek kaya tuluyang nakatakas ang ang nasabing coach.

Kaya naman sa halip na ang coach ang aarestuhin ay ang anak nitong si John Erick ang binitbit ng mga awtoridad at kinasuhan ng ‘obstruction of apprehension and prosecution of criminal offenders.’

Magugunitang kamakailan ay naglabas ng P100,000 pabuya ang pamilya nang hinalay na dalagitang atleta para sa makakapagbigay ng impormasyon at makapagtuturo sa pinagtataguan ng coach.

Nabatid sa reklamo ng atletang dalagita, sampung ulit siyang pinagsamantalahan ng nasabing coach mula buwan ng Pebrero at Abril ng nakaraang taoan, at ito ay ginagawa bago siya isalang sa training. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?