17

By

Volley skipper De Guzman, nagpakitang-gilas sa dunk

Sharing is caring!

Ipinakita ni Philippines national men’s volleyball team skipper John Vic de Guzman na puwede rin siyang maglaro sa basketball team.

Sa isang video na in-upload ni De Guzman sa kanyang Facebook account, dumakdak siya gamit ang kanyang dalawang kamay.

Siya ay naging MVP ng NCAA habang naglalaro siya para sa College of St. Benilde Blazers.

Siya rin ang kapitan ng PLDT Home Fibr sa nakaraang Reinforced Conference ng PVL.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?