6
Mt. Kanlaon

Volcanic earthquake naitala sa Mt. Kanlaon

Sharing is caring!

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng isang volcanic earthquake sa Mt. Kanlaon sa nakalipas na 24 oras.

Hindi naman naitala kung nagbuga ng steam o sumingaw ang bulkan dahil natakpan ang tuktok nito ng makapal na ulap, sa ulat ng DZMM.

Ibinaba naman sa alert level 1 mula sa alert level 4 ang status ng bulkan ngunit itinuturing na hindi pa rin ito normal dahil sa posibilidad ng pagsingaw dahil sa pag-init ng tubig sa loob ng bulkan.

Pinaalalahanan naman ng PHIVOLCS ang hindi pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone sa paligid ng bulkan.

Inaabisuhan din nito ang Civil Aviation Authority na bawal ang paglipad ng mga eroplano at iba pang aircraft sa ituktok ng bulkan dahil sa posibilidad ng pagkakaroon ng panibagong phreatic eruptions o pagbuga ng usok o abo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?