27

Jun 14, 2021 @ 17:47
By

Voice talent: Boses ni Liza sa ‘Trese’ OK naman

Naglabas din ng kanyang komento ang voice talent na si Inka Magnaye tungkol sa performance ni Liza Soberano bilang voice actress sa Pinoy anime na Trese.

Umani kasi ng ilang negatibong komento si Soberano dahil daw monotonous ang kanyang boses sa main character ng anime na si Alexandra Trese.

Para kay Magnaye, maayos naman ang pagboboses ni Soberano sa bida ng anime.

“It’s got a great balance of youthfulness and grim,” pahayag ni Magnaye sa kanyang Twitter account.

“She has dynamics in her delivery. However, she does tend to deliver her lines in almost the exact same cadence, and people confuse that with monotony,” dagdag pa ng voice talent.

“We don’t know din how things were while they were recording, so I’m just speculating. Anyways, these are just my thoughts!” ani Magnaye.

Si Magnaye ay isang kilalang voice talent, na siyang nasa likod din ng boses sa Philippine Airlines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?