29

Sep 29, 2020 @ 20:01
By

Vogel laging butata! Spoelstra bangungot sa Lakers

Bagong matchup ang matutunghayan sa NBA Finals sa bakbakang Miami Heat kontra sa Los Angeles Lakers.

Ngunit isang rivalry ang matagal nang nabuo sa muling pagkukrus ng landas nina Lakers coach Frank Vogel at Heat tactician Erik Spoelstra sa playoffs.

Walong taon na ang nakararaan noong magkaharap ang dalawa sa Eastern Conference Finals nang coach pa si Vogel sa Indiana Pacers. At sa tatlong pagkakataon na nagsabong ang dalawa sa postseason, si Spoelstra ang palaging nananalo.

Ngayon, susubukang maputol ni Vogel ang sumpa na dulot ng Fil-Am tactician.

“Well, we just have a familiarity with things that are important to each other on the basketball court, on-the-court culture that each was trying to set,” saad ni Vogel. “I think that will be present in this series, even though the teams are very different than where they were a few years back when we faced in the Eastern Conference finals.”

Hindi rin tinago ni Vofel ang kanyang pagkabilib kay Spoelstra, na inaming matindi niyang pinag-aralan ang coaching style nito noong buo pa ang Big Three ng Miami na binubuo nina LeBron James, Dwyane Wade at Chris Bosh.

Maghaharap ang dalawa sa Huwebes, alas-9 ng umaga, para sa Game 1 ng NBA Finals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?