48

By ,

Vogel bagong coach ng Lakers

May bagong coach na ang Los Angeles Lakers sa susunod na season ng NBA.

Pinangalanan na ngayong Lunes (Martes sa Pilipinas) ng Lakers si Frank Vogel bilang bagong head coach nito, dalawang araw matapos magkasundo ang dalawa sa terms ng kontrata.

Sa balita ng The Associated Press, ayon sa source nito, magkakaroon ng introductory press conference ngayong Mayo 20 (Mayo 21 sa Pilipinas) sa facility at dagdag pa nito na tatlong taon ang pinirmahan nitong kontrata sa Lakers.

“I am very excited for this opportunity to join the Lakers, a prestigious organization that I have long admired,” sabi ni Vogel sa isang statement. “I look forward to coaching such phenomenal talent and bringing my strategic vision to the team.”

Lumipad patungong Los Angeles, California noong Mayo 9 (Mayo 10, oras sa Pilipinas) para makipag-usap sa ilang executives ng tropa gaya nina team owner Jeanie Buss, general manager Rob Pelinka at adviser na si Kurt Rambis ilang araw matapos isnabin ni Tyronn Lue ang offer nito.

Nagtrabaho para sa isang organisasyon ang 45-anyos na si Vogel bago pumasok sa advance scout noong 2005-2006 season at siya ang nagdala sa Indiana Pacers sa Eastern Conference finals noong 2013-2014 at may 304-291 na win-loss record.

Sa isang statement, sinabi ni Pelinka na malaki ang pinatunayan ni Vogel sa liga at ilang beses na rin ito na nakapasok sa playoffs at ang isang katulad niya ang hinahanap ng tropa para sa isang head coach.

“Coach Vogel has a proven track record of success in the NBA playoffs,” sabi ni Pelinka sa isang pahayag. “He reflects the core qualities we were looking for in a head coach — including detailed game preparation, extreme hard work, and holding players accountable to the highest basketball standards.”

Papalitan ni Vogel si Luke Walton na sinibak ng Lakers matapos ang tatlong seasons nito na bigong ilusot ito sa playoffs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?