416

Nov 20, 2021 @ 16:20
By

Vlogger sinorpresa nobya ng P1M money bouquet

Napa-sana all ang mga netizen sa birthday gift na money bouquet ng isang vlogger para sa kanyang girlfriend/partner dahil umabot ito sa P1 milyon!

Sabi ni Von Ordoña, gusto niyang malaman ng buong mundo kung gaano niya kamahal ang kanyang girlfriend/partner na si Carlyn.

“Kahit ang isang milyong bulaklak, hindi kayang tumbasan ang pag mamahal ko sayo. Happiest birthday my love! Ayan na oh pang shopping mo tyaka ni baby. I love you,” sambit ni Ordoña.

“If you think she deserves a bouquet worth a million, why not? Pero sana all! Sana all,” react ni Rae Fuens.

“She deserve it sana all hahaha,” sambit naman ni Myra Ma Ra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?