142

Apr 22, 2021 @ 13:03
By

Vlogger nag-swimming sa fountain sa parke, timbog

Nanawagan ang isang vlogger sa madla na huwag siyang tularan, matapos niyang lumangoy sa fountain sa isang parke bilang request ng kanyang followers.

Habang maraming namamasyal sa Gaston Park sa Cagayan de Oro, Abril 18 ng hapon, nag-swimming si Jeremy Hallazgo, 20 anyos, suot ang pink na boxers at habang nagbi-video ang kasama niya.

Hinuli siya ng otoridad, kasama ang dalawang iba pa, na kanyang cameraman at editor.

Dapat ay sasampahan sila ng lokal na gobyerno ng kasong alarm at scandal pero inisyuhan na lang sila ng ordinance violation receipt at pinatawan ng 4-araw na community service.

Nag-sorry na ang vlogger at tiniyak na hindi na siya uulit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?