44

Feb 25, 2021 @ 12:56

Vivoree pinalagan body shaming

Hindi nanahimik si Vivoree Esclito matapos pagkatuwaan ng ilang ‘It’s Showtime’ hosts ang mabalbon niyang balat.

Sa ‘Hide and Sing’ segment ng palabas, pinakilala ang mga kalahok sa pamamagitan ng pagpapakita ng ilang bahagi ng kanilang katawan.

Tinapat ang camera sa mabalbong braso ng unang contestant, at sinigaw ni host Jugs Jugueta, “Si Vivoree ‘yan!”

Tumawa si Jugs at ang iba pang host ng show, kabilang si Vice Ganda.

Nagkomento naman si Karylle at sinabing, “Jugs ako, I’m a very balbon girl also. Ganun lang talaga.”

Sagot ni Jugs, nagbibiro lang daw siya. “That was just a joke. I’m sorry.”

Matapos mag-viral sa social media ang video ng nasabing eksena, nag-tweet si Esclito:

“When someone makes fun of your looks, let our response be: ‘gwapa/gwapo gihapon’ (Maganda/pogi pa rin ako).”

Ni-retweet niya rin ang Oct. 2019 tweet niya na okay lang sa kanya ma-body-shame pero sana hindi ito gawin sa ibang tao.


Sumang-ayon din ang ABS-CBN actress sa isang tweet na sinasabing hindi dapat gamitin ang insecurity ng isang tao bilang biro sa national TV.


Sa Instagram story naman niya, binahagi ng aktres ang isang body-positivity graphic at may nakalagay na, “Don’t you dare make me feel ashamed of my body.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?