118

Jun 14, 2021 @ 21:46
By

Viva wagi vs Nadine Lustre

Pinaboran ng Quezon City court ang inihaing Petition for Interim Measures of Protection ng Viva Artists Agency laban kay millennial actress Nadine Lustre dahil sa breach of contract.

Inatasan ng korte si Lustre na kilalanin at panindigan ang talent management contract nito sa Viva at tigilan ang pagpasok sa mga kontrata nang walang consent sa talent agency.

Sa ABS-CBN report, isiniwalat ito ng abogado ng Viva na si Atty. Paolo Roxas.

Nagsampa ng petisyon ang Viva laban kay Lustre matapos ianunsyo ng aktres na magiging self-managed star na siya simula January 2020.

Samantala, inihayag ng abogado ni Lustre na si Atty. Lorna Kapunan na ang desisyon ng korte ay panalo rin kay Nadine.

“Court denied Viva’s claims for attachment and garnishment of Nadine’s hard earned earnings and her bank accounts – this is a victory for Nadine,” pahayag ni Kapunan na ibinahagi ni entertainment reporter MJ Felipe sa Twitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?