137

Oct 22, 2020 @ 23:20
By

Viva Hot Babes nagpainit sa TikTok

Walang kupas sa paghataw ang original members ng Viva Hot Babes na takaw atensiyon sa TikTok video.

Binahagi ang video ng isa ring miyembro ng Viva Hot Babes na si Zara Lopez at shinare ng netizen na si Ang Elo sa kanyang Facebook.

Sa mismong TikTok page ni Zara, umabot na sa 73,000 ang nag-puso sa video.

Sinayaw ng grupo ang sikat nilang dance craze noon na “Sayaw Kikay”.

Game sa pagsayaw sina Katya Santos, Andrea del Rosario, Sheree, Gwen Garci, Jaycee Parker at Maui Taylor.

Nabuo ang Viva Hot Babes noong 2003.

Ilan sa mga orihinal nilang miyembro sina Maui, Katya, Andrea, Jen Rosendahl, Gwen, Myles Hernandez, Kristine Jaca, Hazel Cabrera, Sheree at Pam Sarmiento.

Debut single nila ang “Bulaklak”, na isa sa most controversial songs noong 2000s dahil sa pagkakaroon ng double meaning.

https://www.facebook.com/boyitoooo/videos/3967750486573021/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?