1,487

By

Visa kanselado, banned na sa US? Bato sumagot

Nilinaw ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang balitang hindi na umano siya makakapasok sa Amerika dahil kinansela ang kanyang US visa.

Ayon kay Bato, wala pang pormal na pakikipag-usap sa kanya ang US official ukol dito.

“No official communication from US authorities yet,” ayon kay Bato sa panayam ng news site na Politiko.

Ito’y matapos i-report ng Politiko na kanselado ang visa ng senador simula pa noong 2019.

Ayon sa mga US official, naging grounds ng naturang bansa ang Asia Reassurance Initiative Act para pagbawalan si Bato sa kanilang teritoryo.

Saad pa ng source ng Politiko na kinandela ito dahil sa umano’y kinalaman nito sa mga extrajudicial killing noong hepe ng Philippine National Police.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?