8

Jan 1, 2021 @ 12:09
By

Visa issuance ng PH tigil muna

Sinuspinde ng mga Philippine embassy ang pagpoproseso at pag-iisyu ng mga visa hanggang Enero 15.

Epektibo itong suspensiyon habang may travel ban ang Pilipinas sa 20 bansa na may presensiya na ng bagong COVID-19 variant.

Inanunsiyo ang suspensiyon ng mga embahada ng ‘Pinas sa United Kingdom, Australia, Canada, Denmark, France, Germany, Iceland, Ireland, Israel, Italy, Japan, Lebanon, the Netherlands, Singapore, South Africa, South Korea, Spain, Sweden, Switzerland maging ng Philippine Consulate General sa Hong Kong.

Lahat ng mga visa application ay ipoproseso lang pagkatapos alisin ang travel suspension sa Enero 15, maliban na lang kung pinalawig pa ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?