23
views

By

Visa-free visit ng Pinoy sa Taiwan pinalawig

Sharing is caring!

ISANG taon pang maaring bisitahin ng mga Filipino ang Taiwan ng walang visa.

Ito ay matapos magdesisyon ang Taiwan na palawigin hanggang July 31, 2019 ang visa-free entry sa kanilang bansa para sa mga Filipino, Thais at Brunei nationals.

Ngunit hanggang 14 araw o dalawang linggo pa rin ang limitasyon sa pananatili ng mga Filipino sa Taiwan.

Noong Nobyembre lang inalok ang mga Filipino ng visa-entry program ng Taiwan at epektibo lang ito dapat hanggang sa July 31 ngayon taon.

Inalok ng Taiwan ang programa para mahikayat ang mga mamamayan ng Southeast Asia, South Asia, Australia at New Zealand na bisitahin ang kanilang bansa.

Lumago sa 290,784 mula sa 172,475 ang bilang ng mga Filipino na bumisita sa Taiwan simula nang ipatupad ang programa. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?