149

Oct 16, 2017 @ 17:14

Visa-free entry sa Taiwan simula Nobyembre 1

Hindi na kakailanganin pa ng mga Filipino ng visa kung nais nilang magtungo sa Taiwan.

Sa abiso na ipinalabas ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) sa Makati City, ang visa-free entry para sa mga Filipino sa Taiwan ay sasailalim sa siyam na buwan na trial period simula sa darating na Nobyembre 1.

Ang makakapunta sa Taiwan ay ang mga papasyal lang, may sandaling official business, bibisita sa mga kaanak o kaibigan o dadalo sa mahalagang pagtitipon.

Sila ay maaaring manatili sa Taiwan ng 14 araw o dalawang linggo.

Ito ay bahagi ng promosyon ng Taiwan sa New Southbound Policy para mapagtibay pa ang relasyon ng dalawang bansa.

Ang Filipino visa-free visitor ay kailangan lang na may regular passport, return ticket, walang criminal record sa Taiwan at kailangang magpakita ng proof of accommodation. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?