16

Jul 23, 2020 @ 21:07
By

Visa-free entry para sa mga Pinoy pinalawig ng Taiwan

Pinalawig ng Taiwan ang visa-free entry policy nito para sa mga Pilipino.

Maaaring makapasok sa Taiwan ang mga Pinoy nang walang visa hanggang July 31, 2021.

Maliban sa Pilipinas, gayundin ang polisiya ng Taiwan sa mga mamamayan ng Thailand, Brunei at Russia bilang bahagi ng Southbound Policy.

Unang nagpatupad ng Taiwan ng visa-free policy sa Pilipinas noong Nobyembre 1, 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?