8

Aug 17, 2020 @ 8:52
By

Virus case sa US 5.4M na

Umakyat sa 5.4 milyon ang bilang ng mga nahawa sa novel coronavirus sa Amerika.

Ayon din sa Johns Hopkins CSSE, Lunes, 170,019 na ang yumao habang 1.83 milyon ang gumaling doon mula sa COVID-19.

Ang US ang nangunguna sa talaan ng mga nagpositibo, at namatay mula sa coronavirus worldwide.

Pangatlo naman ito sa global recovery toll.

Nananatili sa 188 ang mga teritoryo sa daigdig na sinasagupa ang COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?