47

Oct 21, 2021 @ 23:37
By

Viray twin sa BVR on Tour

Kasado na ang kambal na sina Iza at Ella Viray ng PLDT Home Fibr sa pagbabalik ng 6th Beach Volleyball Republic on Tour 2021 first leg na magsisimula ngayong Biyernes sa Santa Ana, Cagayan.

Nagsanib-puwersa ang Viray twins nang kopoin ng San Beda University ang back-to-back National Collegiate Athletic Association women’s beach volleyball titles taong 2018 at 2019. Dati na ring naglaro ang dalawang volleybelle sa BVR on Tour 2019 sa Lingayen Open leg.

Ilan sa mga makakalabang koponan ng Power Hiters tandem ang Creamline, Perlas Spikers, Sta.Lucia, Black Mamba-PH Army at Delimondo.

Papalo naman para sa men’s team ng PLDT sina Rancel Varga at Efraem Dimaculangan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?