52

By

Viral video ng pre-shaded na balota, iimbestigahan ng Comelec

Naglatag na ng imbestigasyon ang Commission on Elections (Comelec) sa viral video ng umano’y mga pre-shaded na balota para sa katatapos lang na national at local elections.

Inamin ni Comelec spokesperson James Jimenez na kahapon lang niya nakita ang nasabing video kaya naglatag agad sila ng imbestigasyon dito.

“A few things to note on that particular video, however, there is no internal evidence to show where it happened, who did it,” ani Jimenez.

Gayunman, hindi rin naman nila aniya kinukunsiderang peke ang nasabing video.

Nanawagan din si Jimenez sa uploader ng video na lumantad at magsampa ng reklamo sa Comelec.

Hinikayat din niya ang sinumang may impormasyon sa nasabing video na lumabas din at magharap ng reklamo.

“if it’s the original uploader themselves, then so much the better,” dagdag niya.

Sa isang tweet, hiniling ni Jimenez ang suporta ng publiko para sa imbestigasyon ng viral video na nangyari umano sa lalawigan ng Lanao del Sur.

“I’m asking for help investigating both this video and the content it shows,” ani Jimenez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?