137

Oct 22, 2021 @ 16:20
By

Viral post ni Aljur vs Kylie burado na

Wala na sa Facebook page ni Aljur Abrenica ang “cheat” statement niya laban sa asawang si Kylie Padilla.

“This content isn’t available right now,” mababasa ngayon sa viral post ng aktor.

Matatandaang naging laman ng mga balita ang aktor nang basagin niya ang pananahimik tungkol sa hiwalayan nila ni Kylie.

Sa kanyang post, hinamon ni Aljur si Kylie na sabihin ang totoo kung sino sa kanilang dalawa ang unang nagtaksil at sumira sa kanilang pamilya.

Hindi batid kung binura ni Aljur ang post, in-unpublish o pinalitan ang privacy settings. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?