58

Aug 8, 2020 @ 13:14
By

Viral ostrich ng QC, patay na

Matapos gumawa ng ingay sa social media nang makitang pagala-gala sa isang private subdivision sa Quezon City, nasawi na ang isa sa viral ostrich dahil sa stress.

Kinumpirma ito ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) spokesperson Benny Antiporda sa report ng dzBB.

Ayon kay Antiporda, pinabatid umano ng may-ari ng ostrich na kinilalang si Jonathan Cruz na namatay na ang kanilang alaga.

Gayunpaman, nais pa ring humingi ng pruweba ng DENR kung saan nakalibing ang nasabing ibon para mapatunayan ang pagkamatay nito.

Sa imbestigasyon ng DENRP, nakita na mula sa Misamis ang dalawang ostrich na dadalhin dapat sa Nueva Ecija, kaya pinagtataka nila kung papaanong napunta sa Mapayapa Village ang mga naturang ibon.

Dahil dito’y patuloy na iimbestigahan ng DENR ang insidente sa nasabing ostrich at papanagutin kung sinuman ang naging dahilan ng pagkamatay nito.

Samantala, na-turn over naman na sa DENR ang isa pang ostrich matapos itong boluntaryong ibigay ng may-ari at dinala na sa Biodiversity Management Bureau rescue center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?