79

Sep 17, 2020 @ 19:35
By

VIRAL: Naglaba nang walang face mask, hinuli

Kalat sa Facebook ang video ng isang ginang na hinuli ng mga barangay official matapos maglaba na walang suot na face mask.

Sa video na binahagi sa FB page na Viral Ako Dito, makikita ang ginang na pilit iniimbitahan sa barangay.

Depensa ng ginang, hindi niya alam na kailangan pang mag-face mask kahit naglalaba siya sa labas pero sa tapat ng kanyang bahay.

Katuwiran ng mga barangay official, nasa labas ang ginang at wala sa loob ng kanyang bahay kaya kailangan niyang naka-face mask.

Mayroon nang 20K shares, 10K comments at mahigit 8K reactions ang post habang sinusulat ito.

Sari-saring reaksyon ang nahakot nito mula sa mga netizen na karamihan ay pinagtanggol ang ginang.

“Nasa bahay niya si ate at nasa loob siya ng bakuran niya hahaha mga bobong abusadong tanod na walang alam sa batas.”

“Sa loob ng bakuran niya, bagaman nasa labas ng bhay. Wala siya sa publiko. Wala siya kahalubilo na ibang tao.”

“Ewan ko ba anong utak meron mga yan, nag aral naman sana! Wala naman ako makitang dahilan para hulihin si nanay. Bat nga ba ganon, kung yung mga palakad lakad ayaw nila tutukan bantayan na pag anjan na magtataguan, itong si nanay na sa tapat lang ng bahay na tago gusto pa hulihin.”

 

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?