151

Oct 29, 2019 @ 20:51
By

VIRAL: Lolo napaluhod at napadasal sa gitna ng lindol

Nag-viral ang isang lalaki matapos makuhaan ng litrato na nakaluhod at nagdadasal sa gilid ng kalsada habang lumilindol sa Matalam, Cotabato nitong Martes ng umaga.

Namataan ng netizen na si Jim Bryan Dalida Faeldonia ang matanda.

“In times of test, PRAY. Keep safe everyone,” sabi sa caption ng FB post.

Nitong Oktubre 29, niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang bayan ng Tulunan sa Cotabato.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naitala ang episentro ng lindol na may layong 26 kilomtero at may lalim na walong kilometro sa bayan ng Tulunan alas-9:04 ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?