1,098

By

VIRAL: Lalaking nanapak ng pasahero habang nakasabit sa jeep, hindi snatcher – Mayor Isko

Nag-trending ang hashtag na #Grand Taft Auto matapos kumalat ang video ng lalaki na nakakapit sa umaandar na jeep sa Taft Avenue sa Maynila at pinagsusuntok ang isang pasahero.

Nagdulot ito ng pangamba sa mga pasahero at sinabing baka kasabwat ang driver ng jeep ang snatcher dahil hindi sinaklolohan ang kanyang pasahero.

“Halatang kasabwat ang driver…kung iba yan haharorot na at ilalaglag ung snatcher na yan!” giit ni Aleckz North.

“Ayos Yong jeep ni kuya my pasadya na patungan Ng paa SA gilid Ng sasakyan nya,” comment naman ni Orerreug C. Bonjo.

Sa Facebook live ni Manila Mayor Isko Moreno nitong Lunes, hindi umano snatcher ang lalaki kundi may hinabol lang itong manyakis sa loob ng jeep.

Paliwanag ni Jomar sa harap ng alkalde, tinulungan lang niya ang kaibigan na ipagtanggol ang asawa nito na hipuan ng sinuntok niyang manyakis matapos tumakas at sumakay ng jeep.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?