162

Jul 15, 2021 @ 19:51
By

VIRAL: Lalaki pinagmumura mga pulis

“Hindi n’yo ba ko kilala? Put*ng i*a… hindi n’yo kilala sinong tatay ko?!”

Ito ang mga salitang binitawan ng isang lalaki habang pinagmumura ang mga pulis nang parahin siya para sa traffic violation.

Viral ang video na ibinahagi ni Robert Basan Abella Jr. sa Facebook ngayong Huwebes.

Makikita sa video na sinaway ang lalaki ng mga pulis at sinabihang huwag magmura ngunit nagpatuloy ito sa panggigil sa mga alagad ng batas.

“Tingin n’yo takot ako sa inyo, mga g*go kayo,” sambit pa ng lalaki.

https://www.facebook.com/thegoldenvoice.akosimamangpulis/videos/1587532751443167/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?