30

Aug 17, 2020 @ 9:27
By

VIRAL: Kelot tulala nang 2 oras

Wala ka bang magawa? Pwede mong panoorin ang lalaking nakatitig sa kawalan sa loob ng dalawang oras.

In fairness, humakot na si Muhammad Didit ng higit tatlong milyong views.

Last month (July 10) niya lang in-upload sa kanyang YouTube channel “sobat miskin official” ang naturang video, pero may 3,071,163 views na as of August 17.

Sabi ni Didit sa panayam sa Tribun News via Mashable SEA, 10 minuto lang talaga ang binalak niyang pagtulala, pero napatagal noong nakaupo na siya sa silid.

Ang dahilan ng pagtitig sa kawalan? Mga basher ng naturang content creator.

Inayawan kasi ng ilang netizen ang kanyang normal na food experiments, at gusto na mag-post siya ng “positive” at “educational” content.

Ito ang tugon niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?