4,204

By

VIRAL: Hotel Sogo sa Guadalupe

Ngayong Biyernes ng hapon, Top 8 trending sa Twitter ang “Sogo Guada.” Bakit kaya?

Benta ang screenshots ng usapan ni netizen RonRon (@callme_ron) at ang “kuya” niya na si Ryan (@jumongocampo) noong Agosto 16, 2019.

Tinatanong kasi ng nag-post kung kailan isasauli ni kuya ang mga hiniram nitong Nintendo Switch games, gaya ng Kirby, Mortal Kombat, at The Legend of Zelda.
kir
Ayon kay kuya, iiwan niya umano ang mga laruan sa Fitness First sa Mall of Asia Arena, pero wala umano itong nadatnan nang magpunta si RonRon.

Kalauna’y inaya (at pinilit) ni kuya si “bunso” na daanan siya sa Hotel Sogo sa EDSA Guadalupe, na tinanggihan ni RonRon dahil may training ito.

Nang muling kinulit ni Ron si Ryan noong Lunes, Setyembre 16, kung kailan niya makukuha ang mga laro, inamin nitong nasa Bataan pa ang mga hiniram.

Sa huli, nag-away ang dalawa dahil hindi maayos ang naging usapan tungkol sa nasabing mga laruan.

Mabilis namang nagawan ng netizen ng iba’t ibang meme ang nasabing Twitter thread.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?