45

Sep 3, 2020 @ 12:04
By

VIRAL: Grab rider huminto para dumalo sa online class

Bilib ang mga netizen sa isang Grab food rider na pansamantalang pumarada para makapasok sa kanyang online class.

Matatandaang tinulak ng Department of Education ang paglipat mula sa face-to-face classes patungong distance learning para makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.

Maraming guro, magulang, at estudyante ang nagsasabing nahihirapan sila na maikasa ang online learning dahil sa kakulangan ng resources gaya ng gadget at stable internet connection.

Sa Facebook post ni Christian Lorenz Nuñez, makikita ang mga larawan ng isang Grab rider na sakay ng motorsiklo at nasa gilid ng kalsada.

Ang rider, na tinukoy bilang si Ax Valerio na mag-aaral ng Adamson University, ay may hawak na ballpen at papel habang nasa isang video call sa cellphone.

“Kaya pala pumarada si paps .. kasi need nya umattend ng online class,” sambit ni Nuñez.

“Sana matupad mo ung mga pangarap mo .. salute u pre,” aniya pa.

https://www.facebook.com/christianlorenz.nunez.1/posts/319278422644001

18 oras mula nang i-post ang larawan ay lumikom na ito ng 70K reactions, 2.3K comments at 62K shares.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?