3,820

Mar 6, 2020 @ 13:17

VIRAL: Coronavirus lumalaganap sa porn

Kumakalat na rin ang new coronavirus sa daigdig ng porn.

As of today, March 6, 2020, meron nang 303 video result ng “corona virus” sa Pornhub. 142 videos naman ang lumabas sa “coronavirus.”

Ang “corona virus” at “coronavirus” ang top 2 trending searches ng Pornhub hanggang ngayong araw.

Samantala, lumalaganap na rin ang naturang kategorya sa XNXX (corona virus 3,607, coronavirus 51), at XVideos (corona virus 3,017, coronavirus 20).

Kapansin-pansing pumapatok sa XVideos ang kategoryang “le da coronavirus,” na hindi naman kaugnay sa naturang sakit ang tema ng mga video.

Sa wikang Romanian, ang “le da” ay nangangahulugang “give them.” Meron na itong 159,977 resulta.

Ang Pornhub (pang-anim), XNXX (pangwalo), at XVideos (pangsiyam) ang ilan sa most visited sites sa bansa noong 2017, ayon sa data and analytics company SimilarWeb.

Tingin ng ilang performer, kaya nagugustuhan ng ilang tao ang coronavirus porn ay dahil pansamantala nilang nakakaligtaan ang malalang outbreak.

“There are a lot of people with a mask kink, but I don’t think that is directly related to this COVID-19 trend. I think it’s attractive to people because it can help lighten the mood on a serious subject,” wika ni Chase Poundher kay Vice reporter Samantha Cole.

May ilang video naman sa mga naturang porn site na layong ipaalam sa manonood ang mga dapat gawin upang hindi mahawa sa sakit.

Sa ngayon, higit 98,300 na ang nagpositibo, higit 55,300 gumaling, at higit 3,300 ang pumanaw sa daigdig dahil sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?