493

Sep 26, 2020 @ 3:17
By

Viral bastos module lagot sa DepEd

Kakasuhan ng Department of Education (DepEd) ang isang review center sa Zambales dahil sa paggamit ng bastos na mga pangalan sa kanilang learning materials.

Sa budget hearing ng panukalang 2021 budget ng DepEd, tinanong ni Senador Joel Villanueva ang ahensya kung paano nila natutukan ang kalidad ng self-learning modules kasunod ng isang post sa social media kung saan gumamit ng kakaibgang mga pangalan na may dobleng kahulugan.

Ayon naman kay Education Secretary Leonor Briones, pinaiimbestigahan na nila ito at nadiskubreng hindi gawa ng DepEd ang nasabing material kundi ng isang review center sa Zambales.

“It’s not DepEd. It was produced by a review center for teachers for particular students. Nonetheless, they are still dirty which is not appropriate at all. Pero hindi galing sa amin,” pahayag ni Briones sa tanong ni Villanueva.

“Kasi sometimes private schools produce their own materials so we’re wondering why it is attributed to DepEd at all. Review center ito and it is a particular subject for grown ups but it is not an excuse at all. We will take action on that,” dagdag nito.

Ayon pa sa kalihim, ang naturang learning material ay hindi ginagamit sa eskuwelahan dahil hindi pa naman nagsisimula ang klase sa pampublikong paaralan.

“There is clearly malice involved. But what is what I believe kung hindi galing sa public, private schools and it’s not used in school because there are no classes yet and so we are very upset about it especially myself,” ani Briones.
“We are going to file (charges) punder all possible laws against this malicious attempt. It’s really a sabotage of our programs, put us in a bad light and it is deliberate,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?