9

Nov 18, 2020 @ 15:55
By

VIRAL: Bagong feature ng Twitter na ‘Fleet’

Kagaya ng Facebook at Instagram, may feature na rin ang Twitter na makikita lang nang hanggang 24 oras.

“That thing you didn’t Tweet but wanted to but didn’t but got so close but then were like nah. We have a place for that now—Fleets!,” bigkas ng Twitter.

“Rolling out to everyone starting today,” ayon pa sa kompanya.

“Story” ang tawag sa feature na ito sa IG at FB.

Sa ngayon, 3:41 ng hapon ngayong Miyerkoles, Top 2 trending sa Twitter PH ang Fleet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?