202

Jun 9, 2020 @ 17:20
By

VIRAL: Andi naispatang may bitbit na drum habang nakaangkas sa motor

Hinangaan ng mga netizen ang pagiging simpleng tao na lang ng celebrity na si Andi Eigenmann.

Ito’y matapos kumalat ang larawan ni Andi habang nakaangkas sa motorsiklo at may dala-dalang drum ng tubig sa Siargao.

Matatandaang tinalikuran ni Andi ang marangyang buhay niya at showbiz career para mamuhay nang simple kasama ang kanyang surfer boyfriend na si Philmar Alipayo.

“Saw Andi here in Siargao last week and wala sya keyme kag arte magdala sang large water tub while nakaangkas sa motor kasama hubby nya. Still gorg and classy bisan indi magporma! #SimpleLife #IslandGirl,” sabi sa Facebook post ng netizen na si Contessa Aubrea Paraico – Carnaje.

Mayroon nang 88K reactions at 50K shares ang post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?