14

Mar 7, 2021 @ 15:27
By

‘VIP bakuna ng gov’t officials imoral’

Saad ng isang mambabatas, maaari umanong legal ang pagpapabakuna ng mga opisyal ng gobyerno pero ito ay imoral.

Iginiit ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang pagsunod sa protocol kung sinu-sino ang dapat na maunang mabakunahan.

Tinuligsa sa social media ang ilang opisyal ng gobyerno na nauna pang magpabakuna kaysa sa mga frontline health workers.

“Pag nagkaroon na po supply, tsaka na kami magpabakuna, unahin natin yung sa protocol. Madali akong gumawa ng dahilan para magpabakuna na, pero bawal magpapabakuna na hindi pa dapat, maaagawan mo ang isang frontliner. So tapusin muna natin ang mga frontliner,” ani Cayetano.

Aniya, hindi maiaalis na mayroong mga magalit kung makikita na mauuna sa pila ang mga opisyal ng gobyerno lalo at mayroong mga lokal na pamahalaan na walang pondong pambili ng bakuna para sa kanilang constituents.

Saad pa ng dating Speaker, hindi dapat magkaroon ng VIP sa panahon ng COVID-19 pandemic kung kailan napakarami ng nahihirapan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?