16

By

Vintage Yap, rumagasa vs GlobalPort

Sharing is caring!

Throwback si James Yap, consistent ang laro ni Reggie Johnson, at ipinagpag ng Rain or Shine ang GlobalPort 103-97 para isara ang semifinals cast ng PBA Commissioner’s Cup.

Haharapin ng Elasto Painters ang Ginebra sa best-of-five semis umpisa bukas sa Smart Araneta Coliseum. Sa kabilang pairing ang defending champion San Miguel Beer at Alaska, uumpisahan ang series mamaya sa MOA Arena.

Sa Pasay venue rin Biyernes ng gabi, nilista ni two-time MVP Yap ang pinakamaangas na produksiyon niya sa huling apat na seasons – 27 points mula sa 7 for 10 shooting sa labas ng arc.

Nagsumite si Johnson ng 29 points, 15 rebounds at six assists. Maaga rin niyang nasungkitan ng four personal parts ang counterpart sa Batang Pier na si Malcolm White, naigapos sa 12 points mula sa 5 for 17 shooting at may 10 rebounds.

Nasa nakagawiang porma rin sina Raymond Almazan, Chris Tiu at Gabe Norwood para sa Painters. Tumapos si Almazan ng 16 points, may 12 markers si Tiu, at nagbaba si Norwood ng 15 rebounds at may seven points.

Nasilat ng Batang Pier ang Rain or Shine 114-113 noong July 10 at nasagad ang twice-to-beat advantage ng No. 1 E-Painters sa quarters.

Sa do-or-die game, sa 3-0 at 5-2 lang lumamang ang GlobalPort. Nang maagaw ng Rain or Shine ang manibela ay nagtuloy-tuloy na, sa perpektong 3 for 3 ni Yap sa labas ng arc ay nasa unahan 46-38 sa break.

“Hats off to James,” bulalas ni coach Caloy Garcia. “It is the best game he has played for our team.”

Nakuha ng Painters si Yap mula Magnolia noong 2016 kapalit ni Paul Lee. Ngayon lang din bibiyahe sa semis ang RoS makalipas ang dalawang seasons, huli nang magkampeon sa parehong torneo.

Tatlong 3s pa ang pinakawalan ni Yap sa second half, dalawa sa fourth at dagdag ang isang long range bomb ni Jewel Ponferada ay lumayo 86-70 papasok sa final 5 minutes at hindi na nakaporma ang Batang Pier. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?