293

Dec 16, 2017 @ 14:19

‘Vinta’ nagbabanta sa Visayas bago mag-Pasko

Hindi pa man nakakaalpas sa bagyong Urduja ang Visayas, isa na namang bagyo ang nagbabanta na tatama sa rehiyon.

Inaasahang lalabas ng bansa si ‘Urduja’ nitong weekend o sa susunod na linggo ngunit isa pang maaaring maging bagyo ang namataan sa Pacific Ocean na tatama bago ang Pasko.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), isang low-pressure area (LPA) na posibleng maging bagyo ang nakita sa Pacific Ocean. At sakaling mag-develop sa bagyo at pumasok sa Philippine area of responsibility, tatawagin ang LPA na ‘Vinta’.

Si ‘Vinta’ ang ika-22 na bagyo na tatama sa bansa.

Ayon pa sa weather bureau, maaapektuhan nito ang Visayas bago mag-Pasko.

Ngunit puwede rin itong manatiling LPA o mawala. Sakaling maging bagyo naman ay magdadala ito ng hangin na may lakas na 130 kph, sapat upang makapagpatumba ng puno o bahay na gawa sa light materials.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?